SA TAONG NASAKTAN KO, SANA’Y MABASA MO ITO.

SA TAONG NASAKTAN KO, SANA’Y MABASA MO ITO.

Maraming beses kitang nasaktan. Maraming beses akong nakapag bitaw ng masasakit na salita sayo. Maraming beses na akong bumitaw. Maraming beses kong inisip na baka hindi tayo para sa isa’t isa. Paulit ulit kong inuuntog ang sarili ko kung bakit kita minahal. Paulit ulit kong itinatanong sa Panginoon, bakit ako nasasaktan. Ngayon alam ko na ang sagot.

Ako ang gumagawa ng sarili kong multo.

Hindi ko naisip na sa daming mong ginawang mabuti sa akin, hindi ko madalas nakikita yun at puro kamalian mo lang ang nakikita ko. Para kang isang puting tela na may mantsa ng putik sa gitna. Ang mga mata ko, sa putik lang nakatingin. Hindi ko naisip na ang matatalim kong salita ang sasaksak sa puso mong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Pero patuloy pa rin ako sa pag tapon ng kutsilyo sa dibdib mo. Sa daming beses kong bumitaw, nakakapit ka pa rin kahit sobrang sakit na parte mo. Nag durugo na ang mga kamay mo sa paghawak sa akin na habang ako ay nililigtas mo sa bangin ng kawalan, pilit ko tong tinatanggal ng hindi manlang tumingin sa ibabang aking babagsakan.

Pero dahil sa pag mamahal, kahit kailan hindi mo ako iniwan. Kahit kailan hindi ko narinig ang salitang ” ayoko na” mula sa bibig mo. Patuloy mo lang sinasalo lahat ng ginagawa ko, lahat ng binabato ko at ni minsan hindi mo nagawang batuhin ako pabalik para saktan.

Bakit ako ang minahal mo? Yan ang lagi kong tanong dahil pakiramdam ko hindi ako karapat dapat mahalin ng isang mabuting taong katulad mo. Ang lagi mong sagot…  “mahal kita. Hindi na kailangan pa ng rason. Kasi hindi naman kayang ipaliwanag ng salita ang pagmamahal”. Kahit kailan hindi mo naisip iwan ako. Hindi mo naisip ipag palit ako dahil ang dahilan mo, hindi mo kayang gawin ang isang bagay na ikasasakit ng damdamin ko. Hindi mo kayang gawin ang mga bagay na ginawa ng mga nakaraan ko.

Iniligtas mo ako noon sa nagbabagang apoy. Tinanggap mo ako ng buong buo kahit kulang kulang ako. Pinaniniwalaan mo pa rin na magbabago ang lahat at pag subok lamang ang lahat ng ito.

Ngayon, mahal ko. Gusto ko sabihin sayo na masaya akong nandyan ka parin at nakakapit sa mga kamay ko. Tutulungan ko ang sarili ko kasama ka sa banging babagsakan ko. Hahanap ako ng sinulid at karayom na kahit kailan ay hindi mapuputol sa pag gamot ko sa mga sugat na tinamo mo sa masasakit na saksak ko sa puso mo. Pipilitin kong maging maayos para sayo at para sa sarili ko.  Gagawin ko to dahil gusto ko, balang araw masabi ko… Karapat dapat akong mahalin ng isang taong katulad mo. Na kahit kailan hindi ako iniwan, hindi ako pinagpalit, at naniniwala sa mga kakayanan ko. Hindi ko man naiintindihan ang aking sarili pero mahal ko, salamat at nandyan ka para intindihin ang isang magulong taong katulad ko.

Sa loob ng ilang taong pag sasama natin, nahanap ko sayo ang pinag dasal ko noon sa Panginoon… Ang taong hindi ako iiwan. Gustong gusto kong sabihin sayo kung gaano kita kamahal… Kung gaano ko gusto humingi ng tawad… Kung gaano ko gustong sabihin sayong “Salamat”.

Kung mabasa mo man ito, sana kahit papaano, maramdaman mo ang sinseridad ko.

8 Things I experienced while growing up without my father by my side

8 Things I experienced while growing up without my father by my side

Lumaki ka man ng hindi nakilala ang tatay mo o lagi siyang wala dahil sa trabaho, Siguro isa sa mga isusulat ko ay naranasan niyo na.

*lahat ng nakasulat dito ay opinyon ko lang ayon sa karanasan ko at sa ibang kakilala ko*

1.More money, Less memories

Dahil nagtatrabaho ang tatay niyo, busy para makaipon ng pera para sa inyo, mas kaunti ang oras ang naibibigay niya para sa inyo. Lumaki ako ng wala lagi ang papa ko sa tabi ko. OFW siya. Every 3 years lang siya umuuwi tapos mag s-stay lang siya dito for 1 month tapos aalis nanaman siya at babalik after 3 years. Wala kaming family picture na kumpleto. Pag umuuwi siya, lagi siyang tulog dahil nga siguro yun lang yung oras niya para makapagpahinga. Wala akong magawa. never ko naalala na napaliguan niya ako.Naalala ko lang umuwi siya nung elementary graduation ng kapatid ko tapos dalaga na yung kapatid ko nun, kahit dalaga na siya sabi niya sa papa namin, paliguan siya kahit isang beses lang. End up, Pinaliguan niya yung kapatid ko kahit malaki na. Never ko naalala na pinakain niya ako. Kahit madami kaming pera, parang malungkot pa rin kasi wala akong naipong memories na kasama siya habang lumalaki ako.

2. Too attached when you’re in a relationship

Aminin nalang natin girls, hindi man lahat pero karamihan satin na lumaki ng walang father figure sa tabi, once na nagkaboyfriend tayo, sobra tayong naaattach. Lalo na yun mga walang kuya. Minsan pa nga sa kanila nalang umiikot yung mundo natin. Bakit? Kasi hinahanap natin yung pagaalaga ng isang lalake na hindi natin naranasan kasi nga wala si tatay. Ayaw din natin maiwan ni boyfriend kasi baka yung iba sa atin, iniwan ng mga tatay noon. Parang binagsakan ka na ng mundo kung tatay mo iniwan kayo pati ba naman si boyfriend na akala ko siya na yung magpaparamdam sayo ng halaga.

3.Future thoughts 

Madalas ang nasa isip natin pag dating sa future ay sana hindi maging katulad ng nanay mo. Na wag mong maexperience na maging mag isa habang nagpapalaki ng mga anak. Na hindi lang naman pera kailangan ng mga bata, kailangan nila ng ama na magaalaga sa kanila, na yayakap sa kanila bago matulog, na magtuturo sa kanila mag bike, na maisampa sila sa mga balikat niya. Ayaw mong maranasan ng magiging mga anak mo na lumaki ng walang kinikilalang ama o may ama nga, lagi namang wala. Hindi lang sa pera umiikot ang kasiyahan ng mga bata.

4. You’ll start to appreciate your mom more.

Sobrang close namin ng mama ko dahil siya lang ang kasami namin simula bata. Naalala ko, umiiyak yung mama ko isang gabi. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Sinabi niya sakin malungkot daw siya kasi naaawa daw siya sa amin. Lumalaki kasi kami ng laging wala ang papa namin. Gagawin daw niya lahat para samin kahit siya lang mag isa. Naging matapang daw siya dahil siya lang mag isang nagpapalaki sa amin. Bilib ako sa mga single mom. Mga nagpapapalaki sa mga anak nila mag isa. Hindi madali magpalaki ng anak mag isa. Pag may sakit yung bata, siya lang mag isa ang magaalaga. Siya lang lahat. sa pagpapakain, sa pagtuturo, sa pag didisiplina.

5. There’s no special event for you because your family is incomplete.

Walang birthday ko na ang papa ko ay nasa tabi ko. Kahit isang birthday wala. Pag recognition day, Si mama lang ang aattend at aakyat ng stage.para mag sabit ng medal. Isa lang yung naka attend siya, elementary graduation ko yun. Yun lang. Graduation ng highschool wala siya at mukhang sa graduation ko sa college, wala pa rin siya. Never din ako naka attend ng family day sa school since elementary hanggang maka graduate ako ng college. Naiinggit ako sa mga kaklase ko noon na may papa sa tabi nila. Naiinggit ako kasi hinahatid sila sa school tapos ako school service lang.

6. You wishes a lot.

“sana may tatay din ako.”  “sana nakilala ko ang tatay ko.” “sana umuwi na si papa”. Yan ang madalas nasa isip mo. Puro sana na minsan nauuwi sa wala. Kasi di pwede. Di pwede kasi may iba na sigurong pamilya yung tatay mo. O kaya di pwede kasi kailangan niyang mag ipon ng pera para sa mga anak niya. O kaya, di pwede kasi iniwan na talaga niya tayo.

7. You easily cry whenever people talk about ‘fathers’

Nanunuod ka lang ng drama sa tv or internet tapos may moment dun na namatay yung tatay o iiwan na ng tatay yung family niya, di mo napapansin na lumuluha ka na pala. Makarinig ka lang ng istorya about sa mga tatay, naiiyak ka na. Naalala ko dati, highschool ako nun, sumakay kami ng mama ko sa fx. Nasa likod kami nung. tapos maya maya, may sumakay na lalake na bitbit yung anak niya na nasa edad na mga 2-4 years old. tapos nagtinginan kami ng mama ko. from that moment, alam ko parehas kami ng iniisip. Pag baba namin, di namin alam parehas na pala kaming lumuluha. Tinanong ko siya bakit siya umiiyak, sabi niya, naawa daw siya sakin kasi di ko daw naranasan yun. Sabi ko naman kaya ako umiiyak kasi masaya ako para sa bata kasi nararanasan niya yung pakiramdam na may nagaalagang tatay.

8. Soon, you’ll get used to it.

Dadating yung panahon na masasanay ka na. Na wala na talaga siya. Na lagi siyang malayo. Na hindi na siya uuwi sa inyo. Marerealize mo nalang na kailangan mo nang mag move on para di ka na masaktan na umasa na isang araw, yung “Sana” mo, mangyari na. Ako, nasanay na akong wala siya. na malayo siya. Minsan nalulungkot ako pag naiisip siya. Pero sanay na ako na wala siya. Pera lang kasi yung nasa isip niya para mapag aral kami. para makatapos ako. Siguro hindi ko naiintindihan yun. Kung magkakaanak man ako balang araw, ayokong maranasan niya yung naranasan ko. Kahit mahirap, gagawa ako ng paraan makasama lang sila at masubaybayan silang lumaki. Di ko sinisisi yung papa ko na lumaki ako ng malayo siya.

Sh*t. basang basa yung t-shirt ko. hindi ako prepared na magiging emosyonal tong sinusulat ko. Sana nag enjoy kayo sa binasa niyo.

sa nagbabasa nito, Kung wala man sila sa tabi mo, okay lang yan. Di ka nag iisa. Ako din 🙂

I Want to go back…

I Want to go back…

there are a lot of things in the past that I want to go back again. A lot of things that i want to change and maybe, at some point, It can change my present and my future.

1. I want to go back on being a high school student. 

Sa totoo lang, maraming bagay ang bumuo ng pagkatao mo noong high school. Mga bagay na unang beses mong naranasan. Mga unang bagay na unang beses mong naramdaman. Unang heart ache. Unang mga desisyon mo sa buhay. Unang beses kang gumawa ng kalokohan. Maraming mga unang beses. Alam mo ba yung pakiramdam na gusto mong bumalik sa panahon na yun, panuorin ang mga nakaraan at makita kung saan ka nagkamali, anong mga salita ang mga unang beses na binitiwan mo. isipin kung tama ba ang mga to at ang mga desisyon na ginawa. Kung may pagkakataon ka man ngayon, babalikan mo ba ang pagiging high school student? Kung saan unang beses kang nag mahal at unang beses ka ding nasaktan. Babalikan mo ba ang nakaraan kung saan nakilala mo ang mga kaibigang pakiramdam mo ay panghabang buhay na? May mga bagay ka bang hiniling na sana, hindi mo nalang ginawa? Hindi mo nalang naranasan?

2. I want to go back and be a good son or daughter.

Magulang. Binabaliwala mo lang pag nandyan. hindi mo pinakikingan ang mga sermon, payo at pangaral nila. Pero dadating ka sa time na makikita silang umiiyak, nahihirapan, hindi lang dahil sa pagpapalaki sayo. Dahil narin miski sila, tinitiis ang lahat mapag aral ka lang. Mapagtapos ka lang. Isa kang bulag na hindi yun nakikita na hindi sila makatulog haggat hindi ka pa nakakauwi galing sa lakad mo kasama ang mga kaibigan mo? Ang nakikita mo lang madalas ay ang sarili mo. Kung paano ka mabubuhay. Kung ano ang magiging kinabukasan mo.Pero ang mga magulang mo, pagkatapos nang lahat ng pag hihirap nila sayo, nagawa mo bang lumingon para mag pasalamat. Para sabihin, “Mama, papa, kung hindi dahil sa inyo, hindi ako makakarating dito”. Habang may oras ka pa, habang nabubuhay pa sila, habang may panahon pa, pasalamatan mo sila. Kung maibabalik mo lang ang panahon, gugustuhin mo bang baguhin ang mga kasalanan mo sa kanila?

3. I want to go back on being a 5 years old little kid.

Gusto mo bang balikan yung pakiramdam na pag gising mo, ang unang iisipin mo ay lumabas ng bahay at makipaglaro sa mga kaibigan mo. Na nalalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Walang iniintinding kompikadong bagay. na ang tanging alam lang nasakit ay ang masugatan sa pagkakadapa, sabay iyak. pag katapos, wala na. Tatakbo nalang ulit. Uuwi lang ng bahay pag sumigaw na si inay na kakain na ng taghaliano hapunan. Manunuod ng mga palabas sa tv hanggang makatulog sa hindi mo na namalayang tulog ka na. Gusto mo bang balikan yung nakaraan na yakap yakap mo pa si inay o itay sa gabi habang mahimbing kang natutulog? Ako kasi, gusto kong balikan.

4. I want to go back and stop the bullies from hurting me.

Kung may pagkakataon lang ako, babalikan ko ang nakaraan kung saan binubully ako. Gusto kong sabihin sa harap ng mga mukha nila na isang araw, itong taong inaapi nyo, balang araw titingalain niyo. Na hindi ako tulad ng inaakala niyo. Hindi ako lampa, Hindi ako utusan. HIndi ako bobo. Hindi ako mahina. Dadating ang panahon na sasabihin niyo, “Nagkamali ako. dapat hindi ko sa kanya ginawa yoon”. Alam niyo ba kung gaano niyo ako nasaktan? Alam niyo ba kung ano ang dala dala ko ngayon dahil sa mga binitawan niyong salita. Sa mga bagay na ginawa niyo sa akin? Gusto kong bumalik sa nakaraan pa ipakita na kaya kong mag isa. Na hindi niyo ako mapapataob. Na kaya kong maging AKO at hindi kailangan maging kaparehas kayo. Hindi niyo alam ang pakiramdam na kumakain ako ng hindi ko tuluyang malunok ang pakain dahil sa sobrang sama ng loob sa inyo, habang nasa isang tabi kayo, naka grupo at pinagbubulungan ako. ANO BANG GINAWA KONG MASAMA SA INYO? meron ba? o sadyang ganyan lang kayo?

5. I want to go back and be smart on this thing called LOVE.

kung may pagkakataon lang kang bumalik sa nakaraan, gusto mo bang baguhin ang first love mo? Na ang first love ay hindi ibig sabihin ay “first love never dies” but rather, “first love meant to hurt you a lot.” I am totally blank right now. Hindi ko alam ang susunod kong isusulat dahil sa totoo lang, siguro masyadong malalim at matagal na ang pakiramdam ng first love. Na si first love masyado kang nasaktan. Masyado kang pinaasa. Pinaiyak ka ng maraming beses. Nakalimutan mo ang sarili mo ng dahil sa kanya. Na siya man ang bumuo ng buhay mo noon, Siya rin pala ang sisira nito. Relate na relate ka sa one more chance dahil sa kanya. Gugustuhin mo bang bumalik sa nakaraan at wag nalang siyang makilala? O pipiliin mo paring maging parte siya ng buhay mo?

Marami man tayong gustong balikan sa nakaraan. Marami man tayong gustong sabihin sa mga tao sa nakaraan. marami man tayong gustong baguhin, gustong ayusin.. Hindi yun ganoon. Ang magagawa mo nalang ngayon.. ay isipin ang mga tamang desisyon sa panahon ngayon, Para mag dating ng future, Sasabihin mong… “tama ang mga ginawa ko noon”

Let’s spread love 🙂

6 Experiences you’ve been through while wearing white uniform

6 Experiences you’ve been through while wearing white uniform

hindi lang naman Medical Courses ang naka puting uniform, pero sa blog ko na ito, magfofocus ako sa medical programs dahil dito mas maraming naka white uniform. Karamihan ng mga graduate ng highschool ay kumukuha ng Medical related courses Iba’t ibang dahilan. Katulad ko, kumukha ako ng medical related program kasi Una, gusto mag doktor at pangalawa, gusto ko mag suot ng puting uniform

Pero hindi madali ang mag suot ng puting damit!

listahan ng mga pangyayari na maaring naranasan mo na dahil sa pagsusuot ng puting uniporme

1. ULAN PA MORE

Pinakamahirap sa pag susuot ng MAPUTI mong uniform ay ang MAPUTIKAN ka sa gitna ng ulan. Suot suot ang mala anghel at napakalinis na damit, ang pag buhos ng malakas na ulan ang pinakamahirap. Your white uniform turns out to be a combination of all bullshits in the world. Yung magkulay kape ang damit mo dahil sa putik na sinalo mo nung bagyo na akala mo basbas para pumasa ka sa kursong kinuha mo. Tapos nagdadalawang isip ka pa kung papasok, hindi papasok o maglalaba sa cr loob ng kahit saang lugar mawala lang yung mga putik na tinamo mo mula sa matinding pakikipaglaban sa ulan at baha.

2. NINJA MODE

magaling kami umiwas pag dating sa mga dumi at putik. Pag sakay sa jeep, tingin muna kung may alikabok, punas tapos upo. Bago sumandal kung saan man, Quality Control muna. Baka mamaya may masandalang grasa, dumi o kaya kalawang. Madalas din kaming nakakatikim ng mga kakaibang tingin mula sa ibang tao. HINDI PO KAMI MAARTE. ayaw lang po naming dalhin namin yung matsa sa damit namin ng pang buong araw. Mas okay na kasing makakuha kami ng tingin ng ibang tao dahil sa kaartehan namin kesa naman buong araw kaming pinupuna ng mga tao sa school at parang ang dumi dumi naming mag uniform. PEACE ON EARTH PEOPLE!

3. OH JAPAN MY DREAMLAND

Problema ng mga babae. Ang Japan! Ang matagusan sila kapag dinatnan sila  ng di inaasahan. Yan yung sobrang nakakahiyang makita ng ibang tao. Isang bagay rin na mahirap iwasan. Yung mas masakit yung hindi mo alam na meron kang tagos tapos ikot ka ng ikot sa buong campus tapos ibang tao pa ang nagsabi sayo ng “Uy miss may tagos ka”. Deretso banyo at laba laba din pag may time habang pinapatay ka ng utak mo dahil sa kahihiyan at naghihintay kang matuyo yung palda mo. Madalas ang mga babae meron baon baong Hydrogen Peroxide. mas mabilis daw mag tanggal ng tagos pag yun yung ginamit.

4. INSTANT SHIFTING NG SCHOOL

eto isa sa nakakatawa talaga, hindi ko alam kung appicable sa lahat ng estudyante pero naranasan niyo na ba yung nagaabang ka ng jeep tapos yung sigaw ng sigaw yung barker ng jeep ng ibang school pero hindi ka nag aaral dun. Tapos pipilitin ka niyang sumakay kasi nga akala niya, dun ka nag aaral dahil puro puti ang nakauniform din yun. PAANO!! Yung gusto mo nalang sabihin kay kuya, “ay kuya, ikaw nag enroll sakin? Alam mo kung saan ako nagaaral?” Minsan nga, gusto ko na mag suot ng card na may pangalan na mismo kung saan ako sasakay para sure pak na na hindi niya nila ako tatawagin pag nagaabang ako ng jeep.

5. WALKING VACUUM

Eto yung pakiramdam na pag hindi ka aware o hindi ka magaling umiwas, nagiging instant basahan yung napakaganda mong puting damit. Yung pag upo mo sa jeep, hindi mo na nacheck yung uupuan mo dahil may kasunod ka na, wala ka nang ibang magagawa kundi umupo tapos uusog ka dahil may iba pang sasakay. Pag check mo ng pants o palda mo, hala parang basahan na sa dumi. Kahit anong pilit mo pa ng pagpag sa damit mo, wala ka nang magagawa. all day mo na siyang kasama. O kaya sa mga upuan naman, di mo napansing may dumi, pag tayo mo hinakot mo lahat ng matsa. O diba, kung nasa elementary ka, hindi ka malilisa sa “THOSE WHO DID NOT CLEAN” sa blackboard sa galing mo mag linis.

6. GRADUATED FROM ALL COURSES

Eto isa pa, yung nagiging nurse ka nalang bigla pag may kumausap sayo na hindi mo kilala. No offense sa mga nurses natin ah. Madalas lang talaga, mas alam ng mga tao, kung hindi doctor ang nakaputi, nurse naman. Mas marami kasi ang mga nursing student sa nakalipas na panahon kaya mas nababansagan tayong nurses. Pero okay yun diba? Ang galing lang, Isang program lang pinasukan mo, di mo alam, graduate ka na ng Nursing at Medicine. Doctor ka na agad!  So be happy.

Kahit minsan struggle ang pagsusuot nitodahil  nga puti pero kahit ganun, nagsisimbolo parin ito ng kalinisan at nakakabit dito ang tiwala ng mga taong nasa paligid natin. Na ang nakaputing uniporme daw ay mabubuting tao na handang tulumong sa kapwa, na mapagkakatiwalaan at higit sa lahat, ang mataas na respeto na nakukuha natin sa mga taong nasa paligid.

Image

9 things MEDTECH students be like…

9 things that will make you feel how it’s like to ba a medtech student
image

1. SINALANG KAMI SA ISANG MALAKING MUNDO NG HUNGER GAMES

image

Pumasok kami sa isang program na akala namin, medyo mahirap lang ng konti ang mga aaralin namin kasi medical course nga. AKALA KO LANG PALA. Dun ako nagkami. Nakakaiyak sa hirap tuwing makikita mong pabagsak na yung grades mo at parang gusto nang lumuhod sa professors mo para lang pumasa. O kaya project pandagdag point lang. Pero wala. Hindi ganun yun. SINASABAK KAMI SA ISANG LABAN NA HINDI NAMIN ALAM KUNG MAY PAG ASA KAMING MANALO. Survival of the Fittest ang labanan dito. Matira matibay. Kahit matalino ka, kung tamad ka naman. Oh goodbye my friend. See you next sem!

2. YOU’RE NOT FOREVER ALONE
Kung No Boyfriend/Girlfriend Since Birth ka, aba baka oras na para mag Medtech ka. Bakit? Matututunan mong makielam sa buhay ng iba. Oo, buhay ng bacteria, virus, parasites, fungi at kung ano ano pang mga microorganisms. Malalaman mo na pag kasama mo sila, mararamdaman mong di ka nag iisa. YUN NGA LANG, pwede ka nilang patayin. Paglabas mo ng Laboratory, feeling mo isa ka nangmalaking walking Culture media na punong puno ng bacteria. Na kailangang maligo ng mga 3 times a day tapos nauubos mo na yung alcohol mo kakagamit. Matututunan mo din gumamit ng sabon at tubig para mag hugas oras oras kasi napapraning ka na baka magka Giardia lamblia ka o E. Coli.

3. ZOMBIES SA UMAGA, ZOMBIE SA GABI

image

Zombie sa umaga kasi nag aaral ka nakaupo sa classroom at nakikinig sa prof habang nakekelam kayo ng buhay ng isang microorganism. Zombie din sa gabi kasi kailangan mo ding mag aral para sa quizzes, long exams, Major exams or recitation kinabukasan. KAILANGAN kasing mag aral. Bakit? KASI BABAGSAK KA. Pag nag aral ka naman, minsan di pa umaabot sa passing marks yung grades mo dahil sa hirap na mga tanong sa exams. Minsan wala pa sa inaral mo yung lumabas o kaya nandun sa sinabi ng prof niyo yung lumabas pero nung oras na yun, lumabas ka ng room para umihi.

4. MINUTE TO WIN IT
happens during practical exam. Yung moving system. Akala mo kasali ka sa minute to win it sa bilis ng pag pindot ng buzzer. Yung tipong sisilip ka palang sa microscope, tumutunog na yung buzzer. Mas masakit kung alam mo yung sagot pero dahil sa pagmamadali mong lumipat ng susunod na microscope dahil nga sa bilis ng buzzer, wala na mali ka na at hindi mo na naispell ng maayos yung bacteria at parasites na may sariling mundo! Minsan pa nga, napaghahalo halo mo yung mga Genus and species ng mga to. Imbis na Ascaris lumbriciodes ang maisulat mo, Ascaris canis ang naiisulat mo. ANG MAS MASAKIT SA SA PRACTICAL EXAM, yung magkamali ka ng arrow na susundan. Yung tipong, ginulo mo yung rotation ng buong batch. Tapos mali pa yung numbering mo tapos bawal pa mag bura. Kasabay nito yung sisigawan ka ng prof kasi nga ginulo mo na yung rotation. Napahiya ka na, bagsak ka pa.

5. MASAYA NA KAMI SA 30 MINUTES NA NAP

Kasi nga wala nang oras minsan matulog. Aabutin ka na ng sikat ng araw sa pag aaral. Gising ka magdamag sa school dahil kailangan makinig. Kahit antok ka na kailangan mong makinig kasi babagsak ka pag di mo na inote yung sinasabi ng prof. Blessing na pag nakatulog kami ng ilang minuto. Lalo na hell week, kape, energy drink , pagkain kailangan para lang magising. Pag di effective, pipiliting magising na nauuwi sa walang maisagot lalo sa exam kasi sa exam nakakatulog. Minsan makakatulog ka din sa eye piece ng microscope mo dahil na rin sa antok o kaya sa ngalay kakasilip

6. DI PA GRADUATE, MAY MASTERAL NA KAMI

Di maiiwasang bumagsak sa isang subject habang nagaaral ka pa ng Medtech. Dahil dito, maaari kaming grumaduate ng may masteral degree na. BACHELOR IN SCIENCE MAJOR IN MTLBE. MAJOR IN HEMATOLOGY. MAJOR IN BACTERIOLOGY. Sa daming beses na bumagsak, pwede na kaming mag top sa board exam!

7. BODY FLUIDS OVERLOAD
Sa medtech , bawal maarte. Ihi, tae, sputum, dug pati semen, pinagaaralan namin para malaman kung anong sakit mo o kaya kung hanggang kelan nalang ang buhay mo. Minsan pa nga, kumakain kami at ang mga pinaguusapan namin ay kung paano nga ba napunta ang parasite dun sa tae. O kaya, anong pwedeng maging sakit kung ganito ang kulay ng ihi mo. Matututunan mo ding maging manhid dahi lsa unli venipuncture na nagtutusukan kayong magkakaklase. Para kayong mga drug users na malinis version. Minsan, pakiramdam mo may Hepa ka na Or AIDS pag na needle prick ka.

8. SELF DIAGNOSING

Praning ka na kung praning, pero every lecture, pag may mga signs and symptoms ang topic, feeling namin meron na kami nung kahit wala. Inubo lang ang katabi namin, feeling namin mahahawa na kami ng Tuberculosis. makipag kiss ka lang sa boyfriend or girlfriend mo, check mo na agad kung may namamaga sa lalamunan mo kasi baka may mononucleoisis ka na.

9. MAHIRAP MAKIPAGRELASYON SA MEDTECH

Una, kung hindi mo kayang maging understanding sa pagiging busy niya, mag paalam ka na kasi mahirap talaga mag bigay ng oras lalo na kalaban mo ay tambak na manuals na sasagutan, sobrang daming quizzes at long exams. Habang maaga iwan mo na siya kasi BLOOD IS THICKER THAN YOUR BOYFRIEND/GIRLFRIEND. MAS MAHIRAP IPASA ANG BLOOD BANKING KESA MAKIPAG SIGAWAN SAYO SA TELEPONO DAHIL LATE NA NG SOBRANG TAGAL SA DATE NIYO. Kung kaya mo namang mag tiis, adi very good. Tiisin mo lang na minsan ang kamay ay amoy goma dahil sa gloves na kakagamit lang niya. Wag mo na ding hahalikan ying kamay kasi baka may naiwang bacteria or parasites. PANGALAWA. Mapagpapractisan ka ng Venipuncture hindi lang isang beses kung hindi madaming beses sa buhay mo. Pag nag yaya ang girlfriend mo na mag tusukan kayo, wag kang papayag agad dahil hindi sex ang gusto niyo kung hindi ang kunan ka ng dugo para makapasa siya sa practicals niya.

Ilan lang yan sa mga nangyayari sa mundo ng pagiging medtek student. Pero always remember, Basta Medtech, Sweet lover KASI SA LAB KAMI NAGTTRABAHO. Ubo palang, marami ka nang sakit para sa kanya at idadiagnose ka niya at gagamutin ka. OH NAKATIPID KA PA SA PAG BABAYAD SA DOCTOR, LIBRE KA Pa ng pang laboratory mo