Image

9 things MEDTECH students be like…

9 things that will make you feel how it’s like to ba a medtech student
image

1. SINALANG KAMI SA ISANG MALAKING MUNDO NG HUNGER GAMES

image

Pumasok kami sa isang program na akala namin, medyo mahirap lang ng konti ang mga aaralin namin kasi medical course nga. AKALA KO LANG PALA. Dun ako nagkami. Nakakaiyak sa hirap tuwing makikita mong pabagsak na yung grades mo at parang gusto nang lumuhod sa professors mo para lang pumasa. O kaya project pandagdag point lang. Pero wala. Hindi ganun yun. SINASABAK KAMI SA ISANG LABAN NA HINDI NAMIN ALAM KUNG MAY PAG ASA KAMING MANALO. Survival of the Fittest ang labanan dito. Matira matibay. Kahit matalino ka, kung tamad ka naman. Oh goodbye my friend. See you next sem!

2. YOU’RE NOT FOREVER ALONE
Kung No Boyfriend/Girlfriend Since Birth ka, aba baka oras na para mag Medtech ka. Bakit? Matututunan mong makielam sa buhay ng iba. Oo, buhay ng bacteria, virus, parasites, fungi at kung ano ano pang mga microorganisms. Malalaman mo na pag kasama mo sila, mararamdaman mong di ka nag iisa. YUN NGA LANG, pwede ka nilang patayin. Paglabas mo ng Laboratory, feeling mo isa ka nangmalaking walking Culture media na punong puno ng bacteria. Na kailangang maligo ng mga 3 times a day tapos nauubos mo na yung alcohol mo kakagamit. Matututunan mo din gumamit ng sabon at tubig para mag hugas oras oras kasi napapraning ka na baka magka Giardia lamblia ka o E. Coli.

3. ZOMBIES SA UMAGA, ZOMBIE SA GABI

image

Zombie sa umaga kasi nag aaral ka nakaupo sa classroom at nakikinig sa prof habang nakekelam kayo ng buhay ng isang microorganism. Zombie din sa gabi kasi kailangan mo ding mag aral para sa quizzes, long exams, Major exams or recitation kinabukasan. KAILANGAN kasing mag aral. Bakit? KASI BABAGSAK KA. Pag nag aral ka naman, minsan di pa umaabot sa passing marks yung grades mo dahil sa hirap na mga tanong sa exams. Minsan wala pa sa inaral mo yung lumabas o kaya nandun sa sinabi ng prof niyo yung lumabas pero nung oras na yun, lumabas ka ng room para umihi.

4. MINUTE TO WIN IT
happens during practical exam. Yung moving system. Akala mo kasali ka sa minute to win it sa bilis ng pag pindot ng buzzer. Yung tipong sisilip ka palang sa microscope, tumutunog na yung buzzer. Mas masakit kung alam mo yung sagot pero dahil sa pagmamadali mong lumipat ng susunod na microscope dahil nga sa bilis ng buzzer, wala na mali ka na at hindi mo na naispell ng maayos yung bacteria at parasites na may sariling mundo! Minsan pa nga, napaghahalo halo mo yung mga Genus and species ng mga to. Imbis na Ascaris lumbriciodes ang maisulat mo, Ascaris canis ang naiisulat mo. ANG MAS MASAKIT SA SA PRACTICAL EXAM, yung magkamali ka ng arrow na susundan. Yung tipong, ginulo mo yung rotation ng buong batch. Tapos mali pa yung numbering mo tapos bawal pa mag bura. Kasabay nito yung sisigawan ka ng prof kasi nga ginulo mo na yung rotation. Napahiya ka na, bagsak ka pa.

5. MASAYA NA KAMI SA 30 MINUTES NA NAP

Kasi nga wala nang oras minsan matulog. Aabutin ka na ng sikat ng araw sa pag aaral. Gising ka magdamag sa school dahil kailangan makinig. Kahit antok ka na kailangan mong makinig kasi babagsak ka pag di mo na inote yung sinasabi ng prof. Blessing na pag nakatulog kami ng ilang minuto. Lalo na hell week, kape, energy drink , pagkain kailangan para lang magising. Pag di effective, pipiliting magising na nauuwi sa walang maisagot lalo sa exam kasi sa exam nakakatulog. Minsan makakatulog ka din sa eye piece ng microscope mo dahil na rin sa antok o kaya sa ngalay kakasilip

6. DI PA GRADUATE, MAY MASTERAL NA KAMI

Di maiiwasang bumagsak sa isang subject habang nagaaral ka pa ng Medtech. Dahil dito, maaari kaming grumaduate ng may masteral degree na. BACHELOR IN SCIENCE MAJOR IN MTLBE. MAJOR IN HEMATOLOGY. MAJOR IN BACTERIOLOGY. Sa daming beses na bumagsak, pwede na kaming mag top sa board exam!

7. BODY FLUIDS OVERLOAD
Sa medtech , bawal maarte. Ihi, tae, sputum, dug pati semen, pinagaaralan namin para malaman kung anong sakit mo o kaya kung hanggang kelan nalang ang buhay mo. Minsan pa nga, kumakain kami at ang mga pinaguusapan namin ay kung paano nga ba napunta ang parasite dun sa tae. O kaya, anong pwedeng maging sakit kung ganito ang kulay ng ihi mo. Matututunan mo ding maging manhid dahi lsa unli venipuncture na nagtutusukan kayong magkakaklase. Para kayong mga drug users na malinis version. Minsan, pakiramdam mo may Hepa ka na Or AIDS pag na needle prick ka.

8. SELF DIAGNOSING

Praning ka na kung praning, pero every lecture, pag may mga signs and symptoms ang topic, feeling namin meron na kami nung kahit wala. Inubo lang ang katabi namin, feeling namin mahahawa na kami ng Tuberculosis. makipag kiss ka lang sa boyfriend or girlfriend mo, check mo na agad kung may namamaga sa lalamunan mo kasi baka may mononucleoisis ka na.

9. MAHIRAP MAKIPAGRELASYON SA MEDTECH

Una, kung hindi mo kayang maging understanding sa pagiging busy niya, mag paalam ka na kasi mahirap talaga mag bigay ng oras lalo na kalaban mo ay tambak na manuals na sasagutan, sobrang daming quizzes at long exams. Habang maaga iwan mo na siya kasi BLOOD IS THICKER THAN YOUR BOYFRIEND/GIRLFRIEND. MAS MAHIRAP IPASA ANG BLOOD BANKING KESA MAKIPAG SIGAWAN SAYO SA TELEPONO DAHIL LATE NA NG SOBRANG TAGAL SA DATE NIYO. Kung kaya mo namang mag tiis, adi very good. Tiisin mo lang na minsan ang kamay ay amoy goma dahil sa gloves na kakagamit lang niya. Wag mo na ding hahalikan ying kamay kasi baka may naiwang bacteria or parasites. PANGALAWA. Mapagpapractisan ka ng Venipuncture hindi lang isang beses kung hindi madaming beses sa buhay mo. Pag nag yaya ang girlfriend mo na mag tusukan kayo, wag kang papayag agad dahil hindi sex ang gusto niyo kung hindi ang kunan ka ng dugo para makapasa siya sa practicals niya.

Ilan lang yan sa mga nangyayari sa mundo ng pagiging medtek student. Pero always remember, Basta Medtech, Sweet lover KASI SA LAB KAMI NAGTTRABAHO. Ubo palang, marami ka nang sakit para sa kanya at idadiagnose ka niya at gagamutin ka. OH NAKATIPID KA PA SA PAG BABAYAD SA DOCTOR, LIBRE KA Pa ng pang laboratory mo

Advertisements

71 thoughts on “9 things MEDTECH students be like…

  1. 1/4 true. Don’t be offended pero mej exaggerated. When I was studying the same course ganyan din feeling ko, thinking sobrang hirap maging MT student. Di ako laude, average kid lng ako. But I guess naging mhrap kasi di ko nakaugalian magbasa ng ciulla or Henry’s or other MT books. When now na nsa medschool ako saka ko Lang narealize na wala pa pala sa kalahati ung load ko nung college. I suggest don’t be just dependent on what your profs say, go read. Dun naman nanggagaling mga sinasabi nla eh, pwede kapa matulog sa klase na confident pag sobrang puyat at least hnd double whammy. Plus I don’t suggest matulog ng 30 minutes lalo kung before major exams. Hnd majujustify ng masabing napuyat dahil nagaral, chances are.. Mas wala ka isasagot kung less than 6hrs ung tulog mo. Start en read early para di nagccram. Remember if you like your course, you’ll do it. Even in medschool I sleep max 6hrs before majors,dahil blanko talaga ko pag 2hrs sleep considering we have 45units. Syempre in a regular day, tama na 5hrs sakin.

    Don’t be discouraged. Take it from me when I thought it was the hardest na, wala pa sa 1/8 ng pag sstudy yan sa medisina. Well I’m not saying you go to medicine. Pero enjoy Lang, pag intern na mas masaya:)

    Like

    1. med tech course is a good preparatory when you pursue in medicine. just take it easy and learn to love this profession, style in studying is , our brain has only 2 hours of maximum to absorb everything , then take a rest or sleep, after that continue again to study..have a study habits,
      later everything will be alright.GOOD LUCK MARDEXX, AIM HIGH!!!

      Like

  2. Lahat nadadaan sa time management. Medtech din ako pero wala pa kong bagsak. Depende yan sa tao kung gusto mo pahirapan sarili mo.

    Like

  3. hahayyyss totoo lahat ng to,..masarap isipin na dadaanan mo ang hirap pero mas masarap pag nakamit mo na lahat ng pinag-hirapan mo.. mabuhay tayong mga medical technologist at med.tech students.. godbless us!!.. πŸ™‚

    Like

  4. Agree a big check.. Nakakanganga a minsan kapag parang singkapal ng book ang coverage nyu sa major exams tapos 50 items lang.. nakakaiyak sobra

    Like

  5. I agree with you..I am professor in the med tech program in Davao city..and reading books will make the life of my students easier and lighter….

    Like

  6. Somewhat true, RMT ako at di ko naman dinanas yan, wala akong fail pasa ko naman ang Comprehension exam, pre board exam and board exam, single take lahat na di napuyat. Balance mo lng lahat that will do it. Di na ako nag aral sa board exam. Pero kanya kanyang deskarte yan a kun para sayo para sayo talaga yan.

    Like

  7. This is really true!
    Number 8 is real! hahaha
    and kahit super maganda ung medtech, wag makipagrelasyon sa kanya. It’s a trap! wala yang oras sayo! hahahahahaha
    pero pgandun kana sa internship, eh, marami kanang time except a day before scheduled classes (kase mgcramming para sa exam) hahahaha

    Go MedTechs!

    Like

  8. Hahaha:) relate much nung student pa ako:) Lahat ng sinabi mo nafeel ko un:)) Happy to say i did not practice by profession kc banker na ako i did not practice after 2years i graduate napraning kc ako ayoko na pag-uwi ng haus pasalubong ko sa anak ko eh bacteria:) But i learned the hardship in life when i was a student hehehe:))

    Like

  9. Totoo po yan kasi boyfriend po ako ng isang med tech student pero iniintindihan ko siya kasi ang hirap mahati ang oras niya sa date nmin saka sa exam niya kinabukasan.,.Ung tipong nandyan ka para lang maging stress reliever niya tapos pag uwi niya magreview na ulit siya,Feeling ko ang sama sama ko o kasi pinilit ko siyang lumabas imbes na mag aaral niya siya,.Thats why Im proud to be a boy friend of a med tech student

    Like

  10. We can all relate to this! I had fun reading your blog. Haha Hunger games talaga First year first sem at first meeting pa nga lang for MT Lab prick and venipuncture na. Anyway, learning with batchmates and conquering MedTech together to me, is the most memorable part. Are you still a student? If you are, your time management is impressive ha. You are still able to write all this. IF you are a student HAHA

    Like

  11. This is really true. Some of it happened to me. At first wala akng idea sa nakuha kng course. Bsta ang gusto ko yung subject na may katayan.hahaha! (dissecting animals). But looking back years passed by nakakatuwa lang lalo yung internship at sa mga prof. I love MT. But now im working as research assistant na for 8yrs.

    Like

  12. College na ako this coming school year and medtech ang napili kong course. Medyo kinabahan ako dahil dito pero keri lang πŸ˜€ hahaha payting~

    Like

    1. Yes mahirap ang medtech. And yes mag eenjoy ka kung gusto mo talaga yung course mo. Dadating lang sa point na minsan, hopeless ka na sa nangyayari sa grades mo. Sabi nga nila time management lang. Ang mahalaga, malaki ang tiwala mo sa sarili mo πŸ™‚ goodluck!! πŸ™‚

      Like

  13. true. πŸ˜‰ pero i agree sa ibng comment. if ur still a student u need to balance ur time. n take good care of urself to survive. yes mahirap ung MT but super saya n satisfying ung feelng pagnatututo ka. before, Ako i have gimik frnds n thesis frnds pra hnd ako mastress.. πŸ˜‰ Goodluck n Godbless. proudMT

    Like

  14. Hello there! πŸ™‚ I’m an incoming med-tech student at Perp. Help Calamba. Gusto ko lang po na mag-request ng advices/tips sa course na kukuhain ko. Like, what to do this summer? Things that is going to be needed? Uniforms? Notes? Actual? and so on.

    Like

    1. For me, enjoy mo muna yung summer mo. Mejo magaan pa naman pag mga Gen Ed na subject pero syempre you need to work hard also. Just prepare all the requirements needed for your school. Notes, sa pasukan mo na gawin yan. Basta gawin mo lahat ng pwede kung paano ka matututo. Mag sulat ka if yun ang nakasanayan mo. And tiwala lang sa sarili. πŸ™‚ goodluck πŸ™‚

      Like

  15. you’ll also learn how to sleep katabi ang mga specimen kapag intern ka na,lalo na kapag sa govt hospital ka naka assign.. it was hard,but super fun..we got to make memories with new friends,na kahit graduate na kayong lahat,at kahit sa iba’t ibang sulok ng mundo na kayo ngayon,isang message lang sa fb,parang walang lumipas na panahon.. πŸ™‚

    Like

  16. astig….heheh.:-) πŸ™‚ πŸ™‚
    3rd year na po ko next sem…
    excited.???
    share ko lang po.
    nakakagaan sa loob, kapag nalaman mong mas excited pa yung magiging prof mo sa 3rd year na magiging studyante ka niya……heheh.

    mas minahal ko tuloy Ang MedTech.. ❀

    Like

  17. Papasok pa lang ako sa college pero nakarelate na ko dito dahil sa research subject namin na microbiology hahahahahaha medtech din kukunin ko sa june

    Like

    1. masaya during college days ang medtech… pero kapag yung totoong buhay na like working as a RMT yun ang mas challenging. Good luck sa napili mong courseπŸ˜€

      Like

  18. This is a bit exaggerated. I was a Medtech student but didn’t had the same sentiments, it was actually the best years I had, every subjects were interesting to the point I didn’t feel like I’m studying and the best part is that you have all the time in the world (except during 4th year) as compared to working or getting to med school.

    Like

    1. Yes. Maybe for you πŸ™‚ pero kung ano po yung sinulat ko, yun po talaga yung naeexperience namin. 1year internship, all subjects na pang forth year except sem1 sem2 and res2, binaba sa 3rd year so sobrang tight po ng sched. Well anyway? Thank you po sa pagbabasa po ng blog ko. πŸ™‚

      Like

  19. Ay totoo to. Pero time management lg ang dpat gwin kapag medtech ka πŸ™‚ we should know how to use our time wisely. At isa pa, wag kayong mag stick sa isang libro lg. Kung hindi nyo maiintindihan yung isang topic o book, pwede rin kayong mag hanap ng mga book na mas madaling intindihin. Nirerecommend ko yung kay Ciulla o Henry’s. Pwede rin nyong ma test yung self nyo sa tulong ng mga questions sa book ni Harr :)))

    I admit hndi nga madali maging medtech. Ako, honestly, hndi nman ako matalino. But I was able to reach internship. Kaso lg i failed one subject in my comprehensive exam kaya ma delay lg ako ng konti. Masakit syempre but i manage to stand up again kasi wala namang magagawa kung magmukmok ako db? Kung yung ibang kasama ko na nakapasa nag rereview na sa pre board, ako I take time nman na mag review ulit sa lahat ng subjects pra pgdating ng preboard ko at board hndi na ako mahihirapan mag study. Time management lg yan at pasipagan lg yan ng pag aaral. Tandaan lg ntin na walang bobo, meron lg tamad πŸ™‚ Godbless guys!

    Like

  20. part of it was true…. mahirap talaga noong medtech days… aral kain halos lng ang ginagawa mo.. pero true time management tlga need mo. may mga oras din nman na nkkapanood kami ng sine with friends at nkkpamasyal… lalo na after exams.. pero pag my exam kailangan mag aral..hindi mo nman kelangan maging matalino sa kursong to… all you need was determination at kasipagan. Masipag ka mag aral lahat ng pwede mo maging referrences na books basahin mo… at may mga friends ka na masipag mag aral rin para panay group study kayo… nice yung nagshashare kau ng knowledge.. during my medtech days… mahirap but masaya lalo na if pumasa k sa mga theoretical at practical exams.. lalo na if yung board exam mo 1 take ka lang.. worth it ang hirap at pagod.. i must say… lalo na sa iba student pa na medtech.. learn to balance your time. Sleep din ah.. marami ka masasagot sa exam mo kung kumpleto ang sleep mo. manage your time with your studies and your own life. You can do it!

    Like

  21. Pretty much sums up every student’s life regardless of the course. Especially when you’re aiming for at least Cum Laude.

    Like

  22. Kaya yan. mas mahirap mag study pag lapit na board exam kasi it sums up all 4 years in college. just know ur limits. Kung alam mo kahinaan mo sa pag aaral then wag kang magpabaya. Average student lng din ako may times nga na lowest ako sa lahat mg scores eh. marami akong comitment at tamad ako mag aral. last minute pa nga ako mag study eh. Pero alam ko papaano i budget ung remaining time ko na kahit last minute na magiging effective pa din saken. πŸ™‚ In case u wanna ask. im from silliman university. Rmt Na din. GODBLESS sa career mo. πŸ™‚

    Like

  23. Grabe naman. Kaya mo din naman na walang bagsak. Hindi naman lahat mkakaasam ng bagsak. Basta nag aaral ka lang hindi ka babagsak.

    Like

  24. Habang binabasa ko to natatawa ako.. Relate na relate eh… Matanong ko lang student ka pa ba??? Sa course nato kasi kailangan time management lang talaga.. Haha

    Like

    1. Yes kailangan kasi sa isang subject palang sobrang dami na pano pa kaya pag sabay sabay na sila. Iisipin mo, magkakabisado at iintindi ka ng mga bacteria, tapos after nt class mo dun, papasukan mo parasitology na madami din. Kelangan mabalance mo time mo. Kahit minsan mahirap, alam naman nating ginagawa natin lahat para sa course na to! πŸ™‚ goodluck

      Like

  25. Ang dami kasing minors na pa-major. That’s why ang hirap mag manage ng oras. Kailangan mong mag-aral sa major but you also need to accomplish the requirements needed for minors. I wish you could give me some tips. Like time table management? How to be more effective? #Medtech2ndyear

    Like

  26. Kinakabahan tuloy ako kasi ngayon plang ako mag-aaral ng MT as Freshmen this 2nd Semester. πŸ˜₯πŸ˜₯ Pero kakayanin ko to. Nagsisimula plang naman eh. πŸ˜πŸ˜πŸ˜„πŸ˜„

    Like

  27. Proud Medtech student here hahah relate talaga ako sa sinabi na zombie sa umaga zombie sa gabi hahah pero I still get my 6-7 hours of sleep para ready sa mga quizes and exams naibibigay ng mga prof.

    Like

    1. Magandang premed medtech kasi first 2 yrs mo sa medicine is puro medtech subjects. Maganda din pt. Basta med related courses maganda. Kasi pwede ka din mag medicine basta B.S yung course mo. And yes mahirap siya pero if mahal mi yung course, kahit mahirap ipupush mo parin πŸ™‚

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s